BFP Bicol, nakahanda na para sa launching and kick-off ceremony ngayong araw bilang pagdiriwang ng Fire Prevention Month

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang Bureau of Fire Protection Regional Office (BFP) Bicol para sa kanilang launching and kick-off ceremony sa pagdiriwang ng fire prevention month ngayong araw, Marso 2 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay BFP Bicol Public Information Officer, Senior Inspector Edgar Tañajura, Jr., magkakaroon ng fun walk mula Peñaranda Park sa Old Albay District, Legazpi City, habang isang fun bike naman ang isasagawa patungong Embarcadero de Legazpi Port District.

Nagsimula pa umano ang programa noong Marso noong nakaraang taon dahil ito ang buwan kung saan malaki ang posibilidad na magkaroon ng sunog.

Ayon pa sa kanya, ang mga aplayanses tulad ng heater, electric fan at iba pang gamit na kumu konsumo ng kuryente ay maaari ring pagsimulan ng sunog dahil sa matinding init ng panahon.

Aniya, katuwang ng publiko ang kanilang tanggapan at buong komunidad sa pag-iwas sa mga sunog.

Dagdag pa niya, ilan pa sa mga magiging highlight ng programang ito ay ang fire square roadshow na binubuo ng iba’t-ibang aktibidad, kung saan ang mga mag-aaral sa elementarya at hayskul ay makikiisa rin ngayong araw.

Samantala, ang fire prevention month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Marso bawat taon alinsunod sa Proclamation No. 115-A. | MAEDIN DEXISNE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *