BFP City pinaalalahanan ang publiko tungkol sa paggamit ng LPG

Nagpaalala muli ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon City sa publiko tungkol sa paggamit ng LPG.

Ayon kay Fire Officer 2 Gabriel Joseph Bragais ng BFP City Community Relations Unit dahil nakakategorya ang LPG sa open flame na isa sa tatlong pangunahing sanhi ng sunog, mahalaga umano na bukod sa pag-iingat sa paggamit nito ay regular ang mga itong nasusuri.

Anya, bagama’t ang mga LPG regulator ay mayroong Fail Safe, mas mainam umano na regular itong nasusuri upang makita kung ito ay nasa maayos na kondisyon pa.

Isang pamamaraan aniya upang macheck kung ang hose na nakakabit sa regulator ay mayroon nang leak ay ang pagpupunas dito ng basang basahan na may kaunting sabon.

Sa oras kasi na ito ay bumula indikasyon ito na ang nasabing hose ay mayroon nang butas. Mahalaga din umano na regular ding nasusuri ang tangke ng LPG kung saan kapag napansin na ito’y nasisira o mayroon nang mga crack ay dapat na ito ay agad na palitan at huwag nang hintayin na ito’y tumagas pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *