Kasalukuyang inaalam pa Bureau of Fire Protection-Manila Fire Department ang pinagsimulan ng sunog sa isang palapag ng residential at commercial building malapit sa Globo de Oro sa Quiapo, Maynila.
Agad naman nagpa-abot ng tulong ang pamunuan ng Lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga apektadong naninirahan doon na nasa 30 pamilya kung saan may iniwan ding dalawang portalets kaninang umaga ang MDP para magamit ng mga apektadong residente.
Sa inisyal na ulat, nagmula ang apoy sa ikatlong palapag ng nasabing gusali habang nadamay ang ikaapat na palapag ng extension building nito kung saan inaaral ng Mabuti ang isinagawang mopping operation ng BFP para matuntun ang pinagmulan ng apoy.
Samantala, kaninang umaga ay may sumiklab ding sunod sa may bahagi ng Grand Boulevard Hotel, Malate, Manila bandang alas-9 na inaalam na ang kabuang danyos habang wala namang naiulat na sugatan.