BFP naka- red alert ngayon bilang paghahanda sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon

CAMARINES NORTE- Naka- red alert status ngayon ang Bureau of Fire Protection bilang paghahanda sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Sa harap na rin ito ng posibilidad na marami ang mga mabibiktima ng paputok dahil na rin sa maluwag na restrictions kumpara sa nakalipas na dalawang taon na kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Fire Senior Inspector Victor Velasco, Operations Chief ng BFP Camarines Norte, meron silang tinatawag na Oplan Iwas Paputok at kabilang sa mga ginagawa nila kaugnay nito ay ang pagsasabit ng mga tarpaulin lalo na sa mga matataong lugar na naglalaman ng mga paraan kung paano maiiwasan na madisgrasya ng paputok.

Halos araw- araw din umano ang kanilang pag- iikot lalo na sa mga matataong lugar para mag bandilyo.

Bukod dito ay mag- iinspeksyon din umano ang BFP sa mga tindahan ng papautok para masiguro na ligtas ang mga ibinebenta rito.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa ginawang pagpupulong kaugnay sa Aksyon Paputok Injury Reduction o APIR kasama ang iba pang mga ahensiya noong nakaraang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *