BFP nurses tutulong na rin para mapabilis ang pagbabakuna sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Tutulong na rin ang mga nurse mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapabilis ang pagbabakuna sa lalawigan ng Camarines Norte.

Halos 40 nurses umano ang posibleng i- augment ng BFP para tulungan ang mga vaccinators sa lalawigan lalo’t may mga dumating na namang bakuna.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco mayron na umanong sulat ang probinsiya sa BFP para hilingin ang tulong nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa probinsiya lalo na sa mga nasa A2 priority group o senior ctizens.

Nilinaw naman ni Francisco na bagamat prioridad ang senior citizens sa Janseen COVID- 19 vaccine ay maaari rin naman umano itong ibakuna sa ibang priority groups alinsunod sa guidelines ng Department of Health.

Dapat lamang umanong malinaw ang vaccine strategy upang masigurong nasususnod ang prioritization framework.

“Magkakaroon lang po tayo ng master listing ng A2 para magkaroon tayo ng target numbers per day na iba- vaccinate natin, now after having master listing of this A 2 then you can also make a quick substitute listing ng A1 and A3, kasi nakalagay dito pwede nang ibakuna sa A1 A2 A3 ang Johnson and Johnson, now kapag mayron kang Quick substitute listing itong mga hindi dumadating dun sa vaccination area ng A2. sila po ang ipapalit mo,” ani Francisco.

Sa ikatlong magkakasunod na araw naman ay patuloy ang pagdagsa ng mga senior citizens sa mga vaccination center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *