OLONGAPO-Kumpiyansa na ang Bureau of Fire Protection o BFP Olongapo na mababa na ang tsansang tamaan ng corona virus disease.
Ito ay dahil nakumpleto na ng mga tauhan ang 2nd dose ng bakuna nitong nakalipas na April 27 gamit ang sinovac vaccine.
Matatandaan na isa ang mga tauhan ng BFP sa mga sektor na maaring tamaan ng virus dahil sa klase ng trabaho na nakikisalamuha sa tao.
Samantala, kahit na nakumpleto na ang bakuna ay sinusunod pa rin ng BFP ang minumum health protocols katulad ng pagsusot ng facesmask at faceshield at iba pa.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Fire Station
