BFP- Quezon, paiigtingin ang kampanya vs. ilegal na bentahan umano ng petrolyo

Papaigtingin pa umano ngayon ng Bureau of Fire Protection ang kampanya laban sa iligal na pagbebenta ng petroleum products tulad ng krudo at gasolina.

Ito ay matapos na makarating sa kabatiran ng Sangguniang Bayan ng Quezon, Palawan ang impormasyon na naibebenta na lamang sa mas murang halaga ang petrolyo kumpara sa mga gas station.

Napag-alaman ng mga miyembro ng sangguniang bayan na mayroong shuttle van ang nagdadala o nagbebenta nito sa munisipyo.

Sa kabila nito, agad umanong makikipag-ugnayan ang Municipal Fire Station sa Quezon PNP para masawata ang illegal na negosyo at kung sinu-sino ang nasa likod nito.

Matatandaan na hiniling sa Sangguniang Bayan ng mga lehitimong nagmamay-ari ng gas station sa munisipyo na maaksyonan ang ganitong sistema na pumapatay sa kanilang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *