BFP Sorsogon, kakatawanin ang Bicol region sa National Fire Olympic

Irerepresenta ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon ang Bicol Region sa gaganapin na National Fire Olympic sa darating na Marso 16-17, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Provincial Fire Marshal Attorney Hyacinth Grageda- Mirabel kasama sa makikilahok sa naturang patimpalak na gagawin sa Cebu ang kanilang hanay.

 Aniya, first time in the history ito na ang Sorsogon ang mag rerepresenta sa naturang patimpalak sa buong Bicol Region.

Maliban dito, magkakaroon rin ng kauna-unahang roadshow ang BFP sa lalawigan ngayong ika-tatlong linggo ng buwan.

Ayon pa kay Mirabel, ipapakita sa publiko lahat ng mga kagamitan ng BFP.

Kasabay dito sa programa ang rappelling, tamang pagsuot ng mga PPE, tamang paggamit ng Fire Extinguisher at pagakakaroon ng simulation activity kapag may sunog na nangyayari.

Lalahukan rin ang nasabing programa ng mga teens and kids ng lalawigan ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *