Humingi na ng tulong sa National Bureau of Investigation at Department of Foreign Affairs ang Bureau of Immigration para malaman kung bakit may lihitimong passport ng Pilipinas ang ilang dayuhan.
Ayon sa BI, sunod-sunod ang mga nasasabat na mga dayuhan na may lehitimong passport.
Karamihan sa nahuhuli ay nagpapakita pa ng mga ID na nagsasabing Filipino sila ngunit walang maipakitang travel documents.
Katulad na lang ng tatlong Pakistanin na nahuli dahil sa umanoy myembro ng isang terrorist group.
Sabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, nakakabahala ang tumataas na bilang ng mga dayuhang nagkakaroon ng lehitimong passport dahil maaaring magdulot ito ng pangamba sa seguridad ng bansa.