BI, inaasahan na ang mahabang pila sa mga paliparan ngayong holiday season

Inaasahan na ng Bureau of Immigration ang mahabang pila sa mga counter nito sa mga paliparan ngayong holiday season.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, nakikita nilang unti-unting dumarami ang mga manlalakbay habang papalapit ang Pasko at Bagong taon.

Ayon kay Sandoval, kahit na ang immigration agencies sa ibang mga bansa ay nag-ulat ng parehong issue.

Hinikayat ni Sandoval ang mga biyahero na tiyaking darating sila tatlong oras bago ang kanilang nakatakdang flight upang matiyak na hindi makompromiso ang kanilang biyahe dahil sa mahabang pila sa mga airport counters.

Nang tanungin tungkol sa kung ano ang ginagawa ng immigration bureau para maibsan ang sitwasyon, sinabi ni Sandoval na inatasan na ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga concerned personnel na tiyakin na ang lahat ng immigration booth at counter nito ay fully-manned.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *