BI, iniulat na anim na milyon ang naitalang dumating sa Pilipinas noong 2022

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na pumalo sa mahigit anim na milyon ang mga pasahero na dumating sa Pilipinas noong 2022.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, kabuoang 6,125,841 passengers ang dumating sa bansa, kung saan tatlong milyon dito ay mga returning Filipinos.

Giit ni Sandoval, tumaas ang bilang ng mga bimabyahe noong 2022 kumpara sa nakalipas na dalawang tao.

Dagdag nito, na ang most arrivals noong 2022 ay mula sa United States, Australia, Canada, at Japan.

Samantala, nagtala naman ang BI ng kabuoang 6,132,330 departures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *