BI, nangako na ire-reshuffle at lilinisin ang kanilang hanay sa pagkasangkot ng 3 tauhan sa human trafficking

Nangako ang Bureau of Immigration na ire-reshuffle at lilinisin ang kanilang hanay matapos matuklasan ng mga awtoridad na tatlo sa kanilang tauhan ay umano’y sangkot sa human trafficking schemes.

Sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na na hindi natatapos ang kanilang imbestigasyon at  masasakop nito ang mga tauhan nila na nasa loob at labas ng bureau.

Titingnan ng ahensiya kung mayroon pa silang mga tauhan na nagkaroon ng direct link sa mga sindikato sa Cambodia at iba pang mga bansa sa Asya na nag-recruit ng mga Pilipino para sa mga scam.

Sinabi ni Sandoval na “no mercy” ang ipapakita ng BI sa mga mapapatunayang sangkot sa human trafficking activities sa kanilang ahensiya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *