BI: Pagdagsa ng mas maraming biyahero – magandang pangitain para sa turismo

Maganda umanong pangitain para sa turismo at international travel sector ang pagtaas ng bilang ng mga biyahero sa mga paliparan ngayong holiday season.

Ito ang sinabi ni Dana Krizia Sandoval, ang tagapagsalita ng Bureau of Immigration (BI) matapos maitala sa 30,000 ang average passengers sa mga paliparan nitong nagdaang weekend.

Sa Laging Handa Public Briefing, ipinunto ni Sandoval na malungkot ang nagdaang dalawang taon dahil sa covid-19 pandemic ngunit ngayong maluwag na ang travel restrictions, mas may kumpiyansa na muli ang mga pasahero na maglakbay.

Batay sa datos ng BI, umabot sa 32,000 ang arrival noong bisperas ng Pasko habang noong araw naman mismo ng Pasko, pumalo sa 29,968.

Mas mataas aniya ang mga nasabing bilang kumpara noong 2020 at 2021.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *