Nakita ng Filipina golfer na si Bianca Pagdanganan ang pagtaas ng kanyang world ranking, sa pagtatapos sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour.
Nakuha ni Pagdanganan ang isang year-best No. 160 sa pinakabagong world ranking na inilabas, nang makuha niya ang top-three finish sa kanyang huling dalawang tournament.
Bago magtapos ang Setyembre, umakyat si Pagdanganan ng 81 spots sa No. 233 pagkatapos makuha ang third place sa Walmart NW Arkansas Championship.
Aniya, masarap sa pakiramdam na makitang magbunga ang lahat ng kanyang efforts sa pagsasanay.
courtesy: Arizona Wildcats