Bibig ng lalaking may hawak ng titulong “World’s largest mouth” mas lumaki pa ngayong taon

MAS LUMAKI pa ang bibig ng tinaguriang ng lalaking may hawak ng titulo bilang may pinakamalaking bibig sa buong mundo.

Batay sa ulat, ang teenager na si Isaac Johnson mula sa Minnesota, U.S.A na siya ring may hawak ng kasalukuyang titulo ay nahigitan ang kanyang sariling record sa Guinness matapos madagdagan ang sukat ng kanyang bibig.

Noong 2020, naagaw ni Johnson ang title mula kay Philip Angus na may 3.75 inches lamang na laki ng bibig.

Natalo ito ni Johnson dahil noong taon na yun ay nasa 4 inches na ang sukat o laki ng kanyang bibig ngunit kamakailan lamang ngayong taon, nang muli itong sukatin sa isang TV show ay umabot na ito sa 4.014 inches.

Dahil sa pambihirang katangian, marami ang sumusubaybay kay Johnson sakanyang social media accounts at namamangha sakanyang mga videos habang isinusubo ng binata ang apat na pinagpatong-patong na cheeseburger.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *