Bicam para sa 2023 Budget, kasado na bukas

All-set na ang 14-man contingent ng Kamara de Representantes na haharap sa Bicameral Conference Committee kasama ang Senado, para talakayin ang proposed P5.28Trillion na national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay House Committee on Appropritations chairperson, Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, bukas, araw ng Biyernes ay makahaharap nila ang mga counterparts sa Senado sa isasagawang bicam sa Manila Polo Club sa Makati City.

Dito ay pagbabanggain ang bersyon nila ng General Appropriations Bill o GAB, sa bersyon naman ng Senado.

Maliban kay Co, kabilang sa House contingent ay ang senior vice chair ng Appropriations committee na si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Makakasama rin nila ang iba pang vice chairmen ng kumite na sina Quezon 2nd District Rep. Jay-jay Suarez; Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales; Agusan del Norte 1st District Rep. Joboy Aquino; at Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon.

Pasok din sa contingent ng Kamara sina Deputy Speakers Ralph Recto at Dong Gonzales; Majority Leader Mannix Dalipe; Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos; Committee on Accounts vice chair Budoy Madrona; at Committee on Ways and Means member Michael John Duavit.

Para sa Minority bloc, bahagi ng contingent sina Minority Leader 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan; at independent minority Albay Rep. Edcel Lagman.
#

RELATED STORY:

P5.268-trillion 2023 national budget, inaprubahan na ng Senado sa huling pagbasa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *