Bicol Central Station handa na sa dagsa ng mga pasahero sa paparating na Semana Santa; ilang bus company unti-unti nang nagiging fully booked ang biyahe pabalik Maynila

NAGA CITY- Handa na ang pamunuan ng Bicol Central Station sa Naga City sa pagdagsa ng mga pasahero sa paparating na Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Terminal Manager Nonoy Reforsado sinabi nito na mula Abril 1, sisimulan na nila ang pagmonitor sa mga dumarating, ang kanilang bilag ay pagbabasehan din sa irerequest na extra buses pabalik naman ng Maynila matapos ang Semana Santa upang hindi sila abutin ng umaga kahihintay.

Ngayon pa lamang may mga bus na fully booked pabalik ng Maynila,  kaya naman may mga bus company na rin na naglatag na ng plano para sa kanilang dagdag na units at biyahe.

Ayon naman kay Jinry Bocolon ng Security Unit, plantsado na ang seguridad kasama ang Police Station 5. Mas matao aniya kapag pabalik ng Maynila , mas mabilis namang nakakaalis ang mga dumarating sa Naga dahil malapit lamang ang sakayan pero sinisiguro nila ang kaligtasan. Magkakaroon ng mga inspection sa mga unit ng bus at sa mismong terminal at nakalatag ang mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *