Bicol Central Station nakapagtala ng nasa apat na libong pasahero; biyahe patungong NCR bukas fully booked na

NAGA CITY- 120 arrivals ng bus ang naitala ng Bicol Central Station nitong Linggo Oct. 30, 2022, kumpara sa ordinaryong araw na umaabot lamang sa 80.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay terminal manager Nonoy Reforsado, sinabi nitong nasa apat na libong mga pasahero ang dumating.  Ang lahat naman na booking offices ay fully booked na hanggang bukas November 2.

Ayon kay Reforsado bukod sa magaan na ang restrictions ngayong All Saints at All Souls Day, long weekend pa.

Una nang sinabi ni Public Safety Officer Jenry Bolocon, inilatag nila ang mga security personnel at nakalatag ang mga personahe ng Police Station 5.

Sinabi nitong sampung libo ang inaasahan nila kung isasama ang ilang araw bago ang Undas.

Handa ang pamunuan  ng terminal at bus companies sa pagdagsa ng pasahero pabalik ng Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *