Bicol Central Station pinaghahandaan na ang dagsa ng mga pasahero bago at pagkatapos man ng Peñafrancia Fiesta

NAGA CITY – Bagamat hindi pa ramdam ngayon ng Bicol Central Station sa Naga ang dagsa ng mga pasahero sa nalalapit na selebrasyon ng Peñafrancia Festival, inaasahan na ng naturang opisina ang dagsa ng mga dadalo sa pagdiriwang at mga aktibidad.

Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Terminal Manager Nonoy Reforsado.  

Aniya, ngayon pa lang pinaghahandaan na nila ang dagsa ng mga deboto at bisita mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. Dahil nasa pandemya pa, pinaplantsa ang magiging protocols.

Nakiusap na rin ang opisyal sa mga bus company at operators, na madagdagan ang biyahe papuntang Naga City,  sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB naman bigyan ng special permit ang mga sasakyang hindi pa nakakabiyahe ngayon. Layon ng opisina na bago o pagkatapos man ng selebrasyon ay walang maging problema sa pag-uwi ng mga pasahero o bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *