BNFM BICOL—Inihayag ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na makakatulong ang Bicol International Airport (BIA) sa post pandemic recovery ng rehiyon oras na ito’y maging operational na.
Anya, base sa schedule, sa darating na Disyembre matatapos ang istruktura nito at sa May 2022 ay inaasahang magiging operational na ang naturang paliparan.
Anya, napapanahon ito lalo na at malaki ang ambag ng turismo sa muling pagbangon hindi lamang ng Albay kundi maging ng iba pang mga lugar sa rehiyon.
Ngayong nasa gitna ng pandemya ang lahat, isa anya ang domestic tourism sa mga nagpapagalaw sa mga economic activities lalo na ang farm tourism.
Samantala, mayroon na umanong ilang kumpanya ang nagpakita ng interes para sa operation, investment and management ng paliparan.
Kabilang dito ang Aboitiz na ayon kay Salceda nagsumite na ng feasibility study sa Department of Transportation (DOTr) para sa pag operate nito.
Maliban dito, interesado rin umano ang Cebu Pacific at Philippine Airlines.
Ayon sa kongresista, kailangan ng mangangasiwa sa paliparan at hindi lang ang gobyerno ang hahawak nito.###
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…