Bicol Qualifying Meet, aarangkada ngayong araw

Sisimulan ngayong umaga ang mga palaro para sa Regional Invitational Bicol Qualifying Meet ng Sorsogon province at Sorsogon City Division at Masbate Province at Masbate City Division.

Dito malalaman ang mga manlalarong aabanse para sa Palarong Bicol 2023 sa darating na Abril.

 Huwebes ng gabi nang dumating ang mga delegado ng Masbate City at Masbate province na sasabak para sa palaro kung saan makakaharap nila ang mga manlalaro ng Sorsogon City at Sorsogon province division.

Sa panayam ng Brigada News kay Ramil Enteria, PIO ng Casiguran Technical Vocational School kung saan nananatili ang Masbate City and Province delegation, inihayag nito na tinatayang nasa 240 ang kabuuang delegasyon ng nasabing mga dibisyon.

Aniya, ngayong araw gaganapin ang lahat ng mga sports and athletics events sa magkakaibang venue sa probinsya.

Ang mga ball games umano ay sa bayan ng Casiguran gagawin tulad ng volleyball at basketball.

Kaugnay nito, tiniyak ni Enteria ang ligtas na pananatili ng Masbate delegation sa kanilang eskwelahan dahil maliban anya sa regular na security ng paaralan ay katuwang din nila ang barangay at local na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga bisita.

Nakaantabay din ang health and emergency personnel sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa kalagitnaan ng palaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *