Bicol region nagtala lamang ng 6 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Anim lamang ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Bicol region, pinakamababang kaso sa isang araw na naitala sa rehiyon.

Lima nito ay mula sa Albay na pawing naiatala sa lungsod ng Legazpi at isa naman sa Camarines Sur na mula sa bayan ng Tigaon.

Zero new cases naman ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes, Sorsogon at Masbate.

Sa kabuuan, mayroon nang 46,506 cumulative cases ng sakit ang rehiyon. 39,181 na nito ang gumaling matapos na madagdagan pa ng 47 mga bagong recoveries kung saan 39 ang mula sa Catanduanes at walo sa Sorsogon.

Samantala, isa ang nadagdag sa mga bagong nasawi na naitala sa Camarines Sir kung kaya pumalo na sa 1, 716a ng death toll sa sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *