Bicol region nagtala ng 218 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

BICOL—Pumalo na sa 15,494 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 218 na panibagong kaso.

Pinakamarami sa mga bagong nadagdag ang lalawigan ng Albay na mayroong75 kung saan 41 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, walo sa bayan ng Daraga, walo rin sa lungsod ng Tabaco, apat sa bayan ng Libon, gayundin sa bayan ng Sto. Domingo, tatlo sa bayan ng Polangui, dalawa sa bayan ng Bacacay at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Malilipot, Manito at Rapu-Rapu.

Sumunod sa may mataas na kaso ang lalawigan ng Sorsogon na may 55 kung saan 21 nito ay mula sa Sorsogon City, walo sa bayan ng Irosin, lima sa bayan ng Bulan, tigtatatlo ang mga bayan ng Barcelona, Donsol, Gubat, Matnog at Prieto, dalawa sa bayan ng Prieto Diaz at tig-iisa ang mga bayan ng Bulusan, Casiguran, Castilla, Magallanes at Pilar.

Ang Camarines Sur ay mayroong 44 na bagong kaso kung saan 15 nito ay mula sa Naga City, walo sa bayan ng San Fernando, lima sa bayan ng Pasacao, apat sa bayan ng Canaman, tigtatlo ang bayan ng Goa at Libmanan, dalawa sa bayan ng Magarao at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Lupi, Nabua at lungsod ng Iriga City.

26 na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan 17 sa bayan ng Daet, tigdadalawa sa mga bayan ng Labo, Paracale at Vinzons at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, San Vicente at Talisay.

18 bagong kaso ang naitala sa Masbate kung saan anim nito ay mula sa Masbate City, tatlo sa bayan ng Aroroy, tigdadalawa ang mga bayan ng Balud, Milagros at Uson at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Dimasalang at Monreal.

Zero new case naman ang lalawigan ng Catanduanes.

Tatlong bagong pagkasawi ang naitala na mula sa mga lalawigan ng Catanduanes, Masbate at Sorsogon kung kaya pumalo na sa 493 ang death toll sa sakit sa Bicol.

Samantala, mayroon namang 101 na bagong recoveries na naitala kung saan 34 nito ay mula sa Albay, 31 sa Camarines Norte, 23 sa Masbate11 sa Sorsogonat dalawa sa Catanduanes.

Sa kabuuan, ay pumalo na sa 9,788 ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDASolusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-Isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-Dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-Alamin ang totoong impormasyon, plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *