Bicol region nagtala ng 645 all time high COVID-19 cases sa isang araw

BICOL—Naitala ng Bicol region ang all time high na kaso ng COVID-19 sa isang araw mula nang tumama ang pandemya.

Umabot kasi ang bagong kaso sa 645 kung kaya pumalo na rin sa 31,275 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Record high na kaso ang naitala ng Camarines Sur na umabot sa 340 kung saan 72 nito ay mula sa Naga City, 38 sa Pili, 26 sa Calabanga, 24 sa Tigaon, 22 sa Tinambac, 20 sa Ragay, tig-16 ang Caramoan, Nabua at San Fernando, 15 sa Buhi, 14 sa Ocampo, 12 sa Iriga City, lima sa Bula, apat sa Libmanan at Minalabac, tigtatlo ang Lagonoy at Milaor, tigdalawa ang Baao at Magarao at tig-iisa ang Bato, Bombon, Cabusao, Camaligan, Canaman, Del Gallego, Garchitorena, Goa, Pamplona, Pasacao, Sagñay at San Jose.

Ang Albay ay may 98 na bagong kaso kung saan 22 nito ay mula sa bayan ng Camalig, 15 Guinobatan at Ligao City, 14 sa Polangui, tigpipito ang Daraga, Malilipot at lungsod ng Legazpi,  anim sa Oas, tatlo sa Tabaco City at tig-isa ang Bacacay at Libon.

Ang Sorsogon ay may 78 na bagong kaso kung saan 42 ang mula sa Sorsogon City, siyam sa Pilar, anim sa Irosin, apat sa Juban, tigtatatlo ang Bulusan, Casiguran at Magallanes, tigdadalawa ang Bulan, Castilla at Gubat at tig-isa ang Donsol at Matnog.

77 ang bagong kaso sa Masbate kung saan 16 ang mula sa Aroroy, 15 sa Masbate city, 14 Balud, tigpito ang Cataingan at Uson, lima sa Baleno, apat sa Dimasalang, tatlo sa Placer, tigdalawa ang San Fernando at San Jacinto at tig-isa ang Cawayan at Mobo.

40 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan 11 nito ay mula sa Jose Panganiban, sampo sa Mercedes, anim sa Basud, lima sa Daet at Labo at tig-iisa ang Capalonga, Talisay at Vinzons.

Sampong kaso ang nadagdag sa Catanduanes kung saan lima ang mula sa Virac, tatlo sa San Miguel at tig-isa ang Bagamanoc at San Andres habang mayroon namang dalawang bagong nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na sa 22, 193 ang total recoveries matapos na magtala ng 89 na mga bagong gumaling kung saan 46 ang mula sa Naga City, 35 sa Sorsogon at walo sa Catanduanes.

Anim na bagong nasawi ang nadagdag kung saan apat ay mula sa Sorsogon at tig-isa ang Albay at Camarines Sur kung kaya pumalo na sa 1,021 ang death oll sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *