Local News

Bicol region nagtala ng mababang kaso ng COVID-19 kumpara sa mga nagdaang araw

BICOL—Mas mababang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region ngayong araw na umabot lamang sa 54.

47 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan tiglilima ang mga bayan ng Baao, Pili at Sagñay, tig-apat ang Naga City at bayan ng San Fernando, tatlo sa bayan ng Bato, tigdadalawa ang mga bayan ng Calabanga, Magarao, Nabua, Ocampo, Pamplona, Ragay, San Jose at lungsod ng Iriga at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bula, Gainza, Lagonoy, Pasacao at Sipocot.

Pitong bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Albay kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng Manito at tigdalawa ang lungsod ng Legazpi at bayan ng Tiwi.

Zero new case ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon. Sa kabuuan, ay umaabot na sa 16,207 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.

Samantala, dalawang bagong insidente naman ng pagkasawi ang nadagdag na mula sa Camarines Sur at Sorsogon kung kaya sa kabuuan, ay pumapalo na sa 509 ang mga nasawi sa sakit sa rehiyon.

14 na bagong recoveries naman ang nadagdag kung saan siyam nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon at lima sa lalawigan ng Catanduanes kung kaya sa kabuuan, ay nasa 10, 108 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago