BNFM BICOL—Matapos ang ilang linggong pagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 kada araw ay nakapagtala ngayon ang Bicol region ng mas mataas na bilang ng mga bagong gumaling.
Umabot sa 137 ang mga bagong nakarekober kung saan 67 nito ay mula sa Naga City, 31 sa lalawigan ng Sorsogon, 15 sa Camarines Norte, siyam sa Albay, walo sa lungsod ng Legazpi, apat sa lalawigan ng Catanduanes, isa sa Camarines Sur at dalawang iba pa.
Bunsod nito, umakyat na sa 5,974 (67.93%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.
Samantala, 81 na bagong kaso naman ang nadagdag ngayong araw kung saan naitala ang pinakamataas sa lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 32.
Pito nito ay mula sa bayan ng Bula, lima sa bayan ng Milaor, apat sa bayan ng Nabua, tatlo sa bayan ng Magarao, tigdadalawa ang mga bayan ng Cabusao, Libmanan at Ragay at tig-iisa naman sa mga bayan ng Bombon, Goa, Minalabac, Sagñay, Sipocot, Tigaon at Naga City.
18 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Balud, lima sa Masbate City, apat sa bayan ng Esperanza at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Mobo at Palanas.
14 na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Gubat, tigdadalawa ang mga bayan ng Casiguran, Juban at lungsod ng Sorsogon, at tig-iisa ang mga bayan ng Donsol, Irosin at Pilar.
Ang lalawigan ng Catanduanes ay nakapagtala ng 11 bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Panganiban, dalawa sa bayan ng Bagamanoc at tig-isa ang bayan ng San Andres at San Miguel.
Limang bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan tatlo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, isa sa lungsod ng Ligao at isa sa bayan ng Tiwi.
Habang may isa ring nagpositibo mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Lucban, Quezon. Sa ngayon, nasa 2,509 (28.53%) ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon sa kabuuang 8,794 na kasong naitala.
Wala namang bagong nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili sa 311 (3.54%) o total COVID-19 deaths sa Bicol region.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

