Bicol region nagtala ng mas mataas na recoveries sa COVID-19 ngayong araw; death toll nadagdagan ng 10

BICOL—Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng mga gumaling sa COVID—19 ang Bicol region ngayong araw. Base sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, umabot sa 154 ang mga bagong gumaling kung saan pinakamarami ang naitala sa Camarines Sur na mayroong 79.

Sinundan ito ng Camarines Norte na mayroong 49 na mga bagong gumaling Sorsogon 16 at Catanduanes na mayroong sampo. Sa kabuuan, umaabot na sa 9, 561 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.

Sa kabilang dako, mataas din ang mga bagong nasawi na umabot sa sampo kung saan lima nito ay mula sa Camarines Sur, apat sa Naga City at isa sa Sorsogon. Sa kabuuan, ay umaabot na sa 488 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol.

Samantala, 121 ang mga bagong kasong naitala ngayong araw kung saan pinakamarami ang mula sa Albay na mayroong 69.

32 ay mula sa Legazpi City, sampo sa bayan ng Camalig gayundin sa bayan ng Daraga, walo sa Tabaco City, tatlo sa bayan ng Oas, dalawa sa bayan ng Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Malinao, Manito at Tiwi.

Ang Camarines Sur ay mayroong 39 na bagong kaso kung saan 14 nito ay mula sa Naga City, siyam sa Iriga City, tigtatlo ang bayan ng Pili at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Calabanga, Camaligan, Canaman, Libmanan, Magarao, Nabua, Pamplona, Sipocot at Siruma.

Pitong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon City at tig-isa ang bayan ng Juban at Santa Magdalena.

Limang kaso naman ang nadagdag sa Masbate kung saan dalawa nito ay mula sa Masbate City at tig-iisa ang mga bayan ng Aroroy, Batuan at Monreal.

Isang kaso ang naitala sa Camarines Norte na nagmula sa bayan ng Labo habang zero new case ang lalawigan ng Catanduanes. Sa kabuuan, umaabot na sa 15,155 ang kaso ng sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon!

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield; 𝐈-Isanitize ang mga kamay at iwasan ang mga kulob na lugar; 𝐃-Dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *