Bicol region nagtala ng pinakamababang bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Nagtala na lamang ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region, pinakamababa ngayong taon sa loob ng isang araw.

Pareho itong galing sa Camarines Sur, isa sa bayan ng Bombon at isa sa bayan ng Sagñay. Zero new case naman ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Sa kabuuan, pumalo na sa 46,640 ang mga kaso ng sakit sa rehiyon kung saan 9.78% o 4,562 na lamang nito ang aktibong kaso.

Samantala, pumalo na rin sa 40,306 (86.42%) ang total recoveries matapos na magtala ng 272 na mga bagong gumaling. 215 nito ay mula sa Albay, 43 sa Camarines Sur, sampo sa Catanduanes at apat sa Sorsogon.

Sampong bagong pagkasawi naman ang naitala na pawang mula sa Albay kung kaya pumalo na sa 1,772 (3.80%) ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm

Leave a Reply

Your email address will not be published.