Bicol

Bicol region, nagtala ng zero new case, 72 recoveries at 21 deaths sa covid-19 kahapon

BICOL – MULING nagtala ng zero new case sa covid-19 ang rehiyon, base sa latest report ng Department of Health – DOH-Bicol.

Wala umanong nag test positive sa mga specimens na ipinadala sa mga laboratoryo sa rehiyon kung kaya’t nakapako ngayon sa 59,020 ang cumulative cases ng sakit sa rehiyon.

Umabot naman sa 72 ang naitalang mga bagong nakarekober sa sakit daan para umakyat sa 55,590 aang total recoveries.

Samantala, iniulat din ng ahensya ang pagkakarehistro ng 21 bagong pagkamatay sa sakit na lahat ay nagmula sa lungsod ng Naga.

Paliwanag ng DOH-Bicol, ito ay late report nang maituturing at resulta umano ng isinagawa nilang pagbeberipika sa pamamagitan ng data reconciliation.

Bunsod naman nito, pumapalo na sa ngayon sa 2,311 ang kabuuang bilang ng mga nasasawi sa rehiyon dahil sa coronavirus.

BNFM Bicol

Recent Posts

‘Car-free Sundays’ sa Roxas Boulevard – magsisimula na bukas

Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…

20 hours ago

Dating PNP chief Albayalde – ‘di nangangamba sa ICC investigation

Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…

21 hours ago

DOLE Sec. Laguesma, dinepensahan ang sarili matapos tawaging ‘unpopular labor secretary’

Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…

21 hours ago

Malakas na solar storm – tumama sa daigdig

Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…

21 hours ago

Mga patay na corals – tinambak umano sa Sabina o Escoda Shoal ayon sa PCG

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…

21 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 10-anyos na estudyante sa South Cotabato

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…

21 hours ago