Bicol region, nasa ilalim ng low risk status sa COVID-19 – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Ibinahagi ng Department of Health (DOH) Bicol ang isang magandang balita kung saan nasa ilalim ng low status ang risk assesement ng buong rehiyon ng Bicol pagdating sa COVID-19.

Sa pahayag ni Dra. Aurora Teresa Daluro, napanatili ng anim na lalawigan sa rehiyon ang pagiging low risk ng mga ito magmula August 21 hanggang September 3.

Aniya, kung titignan din ang pitong mga lunsod sa Bicol, nasa low risk status din ang assessment ng mga ito sa parehong mga peryodo. Samantala, pagdating naman sa mga COVID-19 alert level status, inihayag ni Daluro na mula August 23 hanggang September 3, lahat ng mga lalawigan ay nasa alert level 2, maliban sa Catanduanes na nasa alert level 1.

Gayundin naman, lahat ng mga lunsod sa rehiyon ay nasa alert level 1, maliban sa Ligao City na nasa alert level 2.

Kahit pa nasa low risk status ang rehiyon, hindi pa rin ito umanong sapat na dahilan upang maging kampante sa COVID-19, kinakailangan pa rin ang patuloy na pagtalima sa mga minimum public standards na ipinatutupad sa mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *