Bicol Region nasa transition period na mula tag-init patungong tag-ulan; 15 bagyo posibleng pumasok sa PAR hanggang Nobyembre – PAGASA

SORSOGON CITY – Kasalukuyang nasa transition period mula sa tag-init patungong tag-ulan ang Rehiyong Bicol.

Ito ang kinumpirma sa brigada News FM-Sorsogon ni Rainier Mago, weather forecaster ng PAGASA DOST- Legazpi.

Pahayag ni Mago, bagama’t ganito ang kasalukuyang estado ng panahon ay posible pa ring makaranas ng mainit na panahon hangga’t ang Habagat o Southwest monsoon ay mahina, habang sa panahon naman ng tag-ulan ay silangang bahagi ng rehiyon ang higit na makararanas nito.  

Samantala, sinabi ni Mago na ngayong kasalukuyang buwan ng Hunyo ay inaasahan na tatlong bagyo ang maaari pang mabuo sa Philippine Area of Responsiblity (PAR) habang nasa 11 hanggang 15 na mga bagyo naman ang inaasahang posibleng mabuo sa PAR mula ngayong buwan hanggang sa buwan ng Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *