Bicolana, pasok sa Top 10 sa Forester Licensure Examination nitong Oktubre 2022

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Professional Regulations Commission (PRC) Bicol na may isang Bicolanang nakapasok sa Top 10 sa Forester Licensure Examination nitong Oktubre 2022.

Kinilala ang natatanging Bicolanang pasok sa Top 10 sa examinasyon na si Nadine Villahermosa Almodiel mula sa Bicol University Guinobatan Campus.

Nakuha nito ang average na 90.75% sa Forester Examination na kapareho naman ni Honeymae Ortinez Petiero na mula sa Central Philippines State University.

Ngayong buwan ng Nobyembre ay may mga nakatalaan rin na examinasyon kung saan inaasahan din nito na mapapasama muli ang mga Unibersidad sa Bicol Region sa Top 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *