Bicolanang guro na nag-uwi ng Natgeo awads, binigyang-parangal ng Deped

BICOL – Tumanggap ng papuri mula mismo kay Deped Sec. Leonor Briones ang isang public school teacher mula sa Bicol  na nag uwi ng parangal mula sa National Geographic Society kaugnay ng kaniyang makabagong environmental project para sa mga mag-aaral.

Si Ranielle Navarro, Teacher III mula sa Albay Central School (ACS) ang isa sa mga nagwagi sa 2021 NatGeo Award para sa pagpapalawak ng pag-aaral sa gitna ng pademya sa pamamagitan ng kaniyang proyekto na “A Call to Solution: Goals for Environmental Oversight (ACS Geo).

Binuo at dinala ni Navarro ang kanyang ACS Geo project sa mga mag-aaral mula sa remote areas kung saan layunin ng kanyang proyekto ang magpaunlad ng mga citizen scientist, mga mamamahayag at mga environmentalist sa pamamagitan ng digital storytelling, geocaching, at paggamit ng mga digital applications gaya ng Marine Debris Tracker.

Sa pamamagitan na nasabing Tracker app ay mabibiyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matuto tungkol sa geocaching, edukasyong pangkalikasan at aksyon.

Nakatanggap si Navarro ng sampung tablets mula sa NatGeo na kanya namang ibinahagi sa Albay Central School.

Popondohan din ng institusyon ang ACS Geo webinar series hinggil sa environmental science at digital technology kung saan tampok ang mga environmental advocates sa loob at labas ng bansa.

Si Navarro ay isa ring Certified NatGeo Educator noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *