Local News

Bicolanong kongresista, umapela sa National IATF na ibaba sa Alert Level 1 ang COVID-19 status sa Albay

BNFM BICOL—Umapela si Albay 2nd District Representative Cong. Joey Salceda sa National Inter Agency Task Force na ibaba na sa Alert Level 1 ang COVID-19 status sa lalawigan ng Albay.

Sa pamamagitan ng liham, ipinakiusap ni Salceda kay Health Secretary at IATF Chairperson- Francisco Duque III, na ikonsidera ang pagbaba ng Alert Status sa probinsya lalo na at batay sa pinakahuling datus as of March 27, zero COVID-19 ICU admissions at zero COVID-19 hospitalization rate na rin ang lalawigan.

Pagbibigay diin nito, malaki aniya ang epekto ng alert classifications sa economic activity ng isang lugar, kung saan inihalimbawa ng mambabatas ang public transportation sector.

Kung maibababa umano sa Alert Level 1 ang Albay, pahihintulutan na ang 100% seating capacity sa public transport na malaking bagay lalo na at ang mga pampublikong sasakyan ang pangunahing mode of transportation ng mga residente.

Sa huli, inihayag ng kongresista na kumpiyansa siyang kaya nang tugunan ng health care system sa probinsya ang COVID-19 infections sa pamamagitan pa rin ng pagpapatupad ng health protocols at pagiging “widely available” ng bakuna kontra COVID-19.###

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd-GenSan dunay panawagan sa mga ginikanan

NANAGAWAN ang Department of Education (DepEd) sa mga ginikanan nga magpa-enrol na sa mga anak…

14 mins ago

ASF Task Force ng Sagñay, Camarines Sur, activated na; kaso ng ASF sa kalapit na bayan ng Tiwi, Albay, naitala

CAMARINES SUR –  Activated na ang Municipal Quick Response Team (MQRT) sa Sagñay, Camarines Sur …

24 mins ago

Delivery rider, hinoldap ng umanoy mga armadong kalalakihan

Naholdap ang isang delivery rider na si Mohamad Jhon Sappayani, 24-anyos noong Sabado ng hapon …

50 mins ago

Lalaki nga nagasuprehir sang Asthma, nalumos-patay sa suba

Wala na sang kabuhi sang masapwan ang isa ka lalaki nga ginaalegar nalumos sa suba…

55 mins ago

Schedule na hindi gaano mainit, piliin sa recognition at graduation rites-DepEd Naga

NAGA CITY-Patapos na ang academic year 2023-2024, magiging sunod-sunod ang recognition at graduation rites. Kaugnay…

57 mins ago

57-anyos, gitigbas-patay sa kapuyo, samtang anak angol; ‘selos’ posibleng motibo sa krimen

Patay ang usa ka 57 anyos nga babaye human gitigbas sa iyang kapuyo, pasado alas…

1 hour ago