NAGA CITY-“Hindi ko inaasahan, hindi ako kaagad nakapaniwala”
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni JEZRIEL JAMES JACOB ng Adventist University of the Philippines na TOP 5 sa March 2023 MedTech Board Exam.
Kuwentro ng tubong Tinambac Camarines Sur na si Jacob, hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan, emosyonal na sinabi nitong nagmula siya sa pamilya ng mga guro kaya nasa trabaho ang mga kasamahan sa bahay siya ang naiiwan sa ama na nastoke noong 2022.
Pinagsasabay niya ang pagrereview at pag-aalaga sa ama; mula sa pagpapakain, paliligo at iba pa.
Sa mga panahon aniyang ito, hindi siya nakakalimot sa Dios na kaniyang laging sandalan.
Ngayon hindi pa nakakapagsalita ang kaniyang ama, ang pagpaabot nito ng galak at dinadaan na muna sa iyak.
Sa huli, pinasalamatan ni Jacob ang lahat ng sumuporta at ipinayo sa mga estudyante na huwag susuko anuman ang mga pagsubok.
“dae lang mawar-an nin pag-asa, just kneel down and pray, trust in the Lord with all your heart kasi Siya lang po talaga an nakaka-aram kan gabos.”