Bicolanong OFWs na umuwi dahil sa pandemya pumalo na sa 25k

LEGAZPI CITY – Aabot na sa 25, 497 ang mga Bicolanong Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagsisipag uwian sa bansa dahil sa pandemya.

Ito ang inihayag ni Henry Miraflor ang Regional Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Miraflor, inaasahan pa rin nito na madadagdagan ang nasabing bilang na OFW sa rehiyon dahil sa patuloy din ang repatriation program.

Karamihan sa mga ofw na nagsisipag uwian ay halos tapos na ang kanilang kontrata o nagbabakasyon lamang.

May mga iilan din nito na ofw ay natanggal sa trabaho dahil sa pandemya.

Base sa record ng ahensya ang Camarines Sur ang pinakamaraming nagsipag uwian na OFW mayroong kung saan umabot sa 9, 918, sinundan ito ng Albay na may 7, 369, Sorsogon 3, 083, Camarines Norte 2, 410, Masbate 1, 780 at ang Catanduanes mayroong 937 ang umuwi sa Bicol.

Dahil dito sasagutin ngayon ng tanggapan ang lahat ng kanilang gastusin mula sa transportation, accomodation at test result.

Nilinaw ng opisyal, ang lahat ng expenses para sa mga ofw na umuuwi sa bansa ay gastosin ng OWWA central office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *