Bicol’s No. 8 most wanted, arestado sa Quezon City

SORSOGON CITY – Napasakamay na ng mga tauhan ng Pilar MPS ang kanilang No. 1 most wanted person matapos na maaresto ito sa Quezon City.

Kinilala ang akusado na si Fernando Lauta Servillon, may asawa, vendor at residente ng Brgy Bayasong, Pilar, Sorsogon. Nasa listahan din ito ng PRO5 bilang top 8 regional most wanted person.

Katuwang ang Regional Intelligence Unit 5 at Masambong Police, hinainan ng kanyang warrant of arrest si Servillon matapos ang 7 taon nitong pagtatago sa batas.

Nahaharap ito sa kasong 4 counts of rape na may relasyon sa RA 7610.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa nasabing kaso.

Ang akusado ay ihaharap  sa kanyang court of origin matapos ang kaukulang dokumentsayon sa Masambong Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published.