BIDA BIKERS, inilunsad sa lalawigan ng Bulacan bilang pagtataguyod sa isang malusog na pamumuhay

Naniniwala si Bulacan Governor Daniel Fernando na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng mga programa na maghihikayat sa taumbayan na maging bahagi ng solusyon sa ilang problemang lipunan tulad ng paggamit ng bawal na gamot.

Kaugnay nito, matagumpay na nailunsad ngayong araw ng Kapitolyo for Life at Department of Interior and Local Government (DILG) ang Buhay Ingatan Droga’y Ayawan-Bawal na Gamot ay Iwasan, Magandang Kalusugan, Ehersisyo ay Responsibilidad Ko (BIDA B.I.K.E.R.S.) sa lalawigan ng Bulacan.

Kung saan dinaluhan ito ng 2,775 bikers na nakiisa sa kampanya laban sa paggamit ng illegal na droga.

Nanawagan naman din si DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ar National Bureau of Investigation (NBI) upang mapahupa ang mga kasong nasasampa sa husgado kaugnay sa droga.

Maalala, maliban sa pagiging parte ng Singkaban Festival 2023 , inilunsad ang BIDA Bikers Program bilang suporta sa RA 6975 o DILG Act of 1990.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *