Bidding para sa 4 pang karagdagang water pumping station ng MNWD, nagpapatuloy bilang paghahanda sa panahon ng El Niño

NAGA CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang bidding sa 4 pang karagdagang Water Pumping Station sa lungsod ng Naga bilang paghahanda sa pagpasok ng panahon ng El Niño o tagtuyot.

Ito ang napag-alaman kay General Manager Jun Monggoso ng Metro Naga Water District o MNWD.

Ayon sa opisyal sa pagtungtong palang ng summer, 5 pumping station na ang kanilang napatakbo na magbibigay karagdagang supply sa bahagi ng Brgy. Del Rosario, Concepcion Grande, Almeda at San Felipe Area kung saan magbibigay ito ng karagdagang suplay ng tubig na 61 liters per second.

Pagbibigay diin pa ni Mongoso, nagpapatuloy sa ngayon ang bidding sa 4 pang Water Pumping Station na magsusuporta naman sa Upper Barangay ng lungsod ngayong papasok na ang panahon ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *