Biden , nangakong hindi kailanman magtatagumpay ang Russia sa Ukraine

Nangako si US President Joe Biden na hindi kailanman makikita ng Russia ang tagumpay sa Ukraine.

Ang pahayag ni Biden ay matapos sabihin ni President Vladimir Putin na ipagpapatuloy ng Russia ang halos isang taon nitong opensiba sa militar.

Inakusahan ni Putin ang US,sa kanyang taunang state-of-the-nation address sa pagpapalaki ng conflict at inihayag na sususpindihin ng Kremlin ang pakikilahok sa New START nuclear arms treaty sa Washington.

Matatandaang , sorpresang binisita ni U.S. Pres. Joe Biden ang Ukrainian capital na Kyiv noong February 20, ilang araw bago ang anibersaryo ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *