Biden naniniwalang papasukin ng Russian troops ang Ukraine

Kumbinsido si US President Joe Biden na papasukin ng Russia ang Ukraine.

Sa pambihirang press conference sa White House, sinabi ni Biden na naniniwala siyang ipag-uutos ni Russian President Vladimir Putin ang pagpasok ng kanilang tropa sa Ukraine kasunod ng pagpapadala ng 100,000 troops sa border ng nasabing bansa.

Sinabi ni Biden na matapos ang dalawang beses nilang pulong ni Putin noong nakaraang buwan ay batid nito ang posibleng haraping economic sanctions sa pinaghahandaan nitong aksyon.

Binigyang diin ni Biden na nagiging disaster sa Russia oras na pasukin nila nang tuluyan ang Ukraine dahil handa sila at ang kanilang mga kaalyado na mag-impose ng severe cost at “significant harm” sa Russia at sa ekonomiya nito.

Kabilang dito aniya ang paglimita sa Russian transactions sa US financial institutions. Nagbabala din si Biden ng pagkalagas ng buhay ng ilang Russian at Ukrainian kapag ipinagpatuloy ng Russia ang ginagawa nito

Leave a Reply

Your email address will not be published.