Biden, ni-reject ang pagbibigay ng F-16 fighter jets sa Ukraine

Ni-reject ni Pangulong Joe Biden ang pagbibigay ng F-16 fighter jets sa Ukraine matapos palawakin ng Kyiv ng listahan ng kanilang mga armas na kailangan nito upang mataboy ang pwersa ng Russia sa pagsakop sa bansa.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng Western countries kabilang ang Estados Unidos at Germany ang paghahatid ng mga heavy battle tanks sa Ukraine.

Ang hakbang ay upang mapaalis sa posisyon ang mga tangke ng Russia.

Ngunit sa pagbibigay ng mga fighter jets sa Ukraine tila nagbigay ng limit rito si Biden.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang labanan sa pagitan ng Russian forces at Ukranian forces kung saan hinahangad ng Russian na palawakin ang kanilang teritoryo sa Donetsk region sa eastern Ukraine.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *