Biden pinamamadali sa US intel ang pagtukoy sa pinagmulan ng COVID-19

Ipinag-utos ni US President Joe Biden sa US Intelligence Community na magdoble kayod sa imbestigasyon kaugnay sa pinagmulan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Biden na nais niyang sa loob ng 90-days ay mabigyan siya ng report sa imbestigasyon.

Ang kautusan ni Biden ay kasunod ng report na maraming researchers sa Wuhan Institute of Virology sa China ang nagkasakit at naospital noong November 2019

Kumbinsido si Biden na ang kabiguang makapasok sa ground ang mga inspectors sa mga early months ng pandemya ang hadlang sa pagtuklas ng pinagmulan ng COVID-19

Nangako naman si Biden na patuloy na makikiisa sa mga kaalyado nito para mapilit ang China na makiisa sa isang transparent, evidence-based international investigation at dapat ay buksan nito ang access sa lahat ng “relevant data” at mga posibleng ebidensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *