Biden, umapela na huwag mag-panic sa gitna ng banta ng Omicron

Umapela si U.S. President Joe Biden sa mga Amerikano na huwag mag-panic sa gitna ng mga ulat kaugnay sa bagong Omicron COVID-19 variant.

Sinabi ni Biden na hindi niya nakikita ang pangangailangan na magpatupad ng mga panibagong lockdowns o pagpapalawig ng travel restrictions sa ngayon.

Unang na-detect ang virus variant sa South Africa, ngunit unti-unti na itong sumusulpot sa maraming bansa.

Pero ayon kay Biden, “cause of concern” lamang ito at hindi “cause for panic”.

Iginiit niya na kaya ng U.S. kontrolin ang Omicron nang hindi umaasa sa lockdowns o sa mas maraming travel bans.

Una nang nagpataw ng restriksyon ang U.S. sa walong southern African countries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *