BIFF nasa likod ng Datu Piang Blast ayon sa PNP

Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nakikitang nasa likod ng nangyaring pagpapasabog ng IED sa covered court ng bayan ng Datu Piang, Maguindanao noong hapon ng Sabado.

Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni Maguindanao PNP Director PCol. Jibin Bongcayao na bago kasi ang nangyaring pagsaboig, isang liham ang ipinaabot ng mga ito na mahigpit nilang ipinagbabawal sa lugar ang mga myembro ng LGBTQ.

Apat sa walong mga nasugatan sa pagsabog ang nakalabas na ng pagamutan ayon na rin kay Col. Bongcayao.

Sa ngayon mayroon na silang lima katao na sinasabing naglagay ng pampasabog sa lugar habang abala ang mga biktima sa paglalaro ng volleyball.

Inatasan na rin ni Col. Bongcayao ang Datu Piang Municipal Police Station na doblehin pa ang kanilang pagbabantay sa apat na sulok ng bayan upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Wala pang inilalabas na pahayag ang LGU sa nasabing pagsabog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *