Big-time na rollback sa presyo sa diesel at kerosene, kasado na bukas

Good News sa mga motorista dahil simula bukas, ipatutupad ng mga oil companies ang bagong round ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso, mayroong tapyas na P4.15 sa kada litro ng diesel.

Aasahan din ang rollback na P4.45 sa kada litro naman ng kerosene; habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Bukas, araw ng Martes ipatutupad ang oil price adjustment.

Alas-sais ng umaga bukas ito epektibo sa Pilipinas Shell, PetroGazz, at SeaOil; habang hatinggabi naman sa Caltex Philippines at sa CleanFuel.

Ngayong hapon ay inaasahang mag-aanunsyo na rin ang iba pang oil companies.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *