Big-time rollback sa presyo ng diesel, kasado na simula bukas

Simula bukas ay epektibo ang bagong round ng rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng oil companies, may tapyas na P3.95 sa kada litro ng diesel.

Babawasan rin ng P2.65 ang kada litro ng kerosene; habang P0.85 naman ang rollback sa kada litro ng gasolina.

Epektibo ang adjustment sa alas-sais ng umaga bukas sa Pilipinas Shell, PetroGazz, UniOil, Jetti, Phoenix, SeaOil, at PTT Philippines; habang hatinggabi naman sa CleanFuel at Caltex.

Ito na ang ikalawang linggong sunod na rollback sa gasolina, habang ika-anim na linggo naman na rollback sa diesel at kerosene.

Samantala, sinabi naman sa isang panayam ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau dir. Rino Abad na asahan na ang mas marami pang mga rollbacks sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Abad, posibleng hanggang sa pagtatapos na taon ay magkakaroon ng ‘oversupply’ sa mga produktong petrolyo.

Dahil sa mababang demand at mataas na supply, asahan na ang sunud-sunod na tapyas sa mga oil prices.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *