Biggest lottery jackpot in history sa Kansas state sa US napanalunan ng isang lalaki sa mismong birthday nito

Tunay na napakaswerte ng isang Keno bettor sa Kansas state sa US matapos na makuha ang itinuturing na biggest jackpot sa Keno lottery sa nasabing estado sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Ang Keno bettor mula sa Cherokee County ay lumabas umano upang ipagdiwang ang kaarawan nito sa VFW 1372 sa Columbus nang maisipan nilang maglaro ng ilang rounds ng Keno.

Anya, madalas siyang gumamit ng birthday at anniversary numbers sa paglalaro dahil ilang beses na rin siyang sinuwerte rito sa mga nakaraan pero iba umano ang pagkapanalo niya ng jackpot sa kanya mismong kaarawan.

Papaalis na kasi umano sila nang mga sandaling iyon at kumuha lang siya ng Quick Pick numbers kaya hindi niya inaasahang ito pala ang mga jackpot combination.

Kinagabihan ay laking gulat nila nang malamang nanalo ang kanyang Quick pick numbers sa halagang $124,600 na ayon sa mga lottery officials, isa sa pinakamalaking Keno jackpots sa kasaysayan sa estado.

Isang napakalaking regalo ito para sa bettor lalo at hindi niya naman talaga inaasahang darating ito sa espesyal na araw sa kanyang buhay. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *