Biglang paglobo ng mga kaso ng COVID- 19 dahil sa maluwag na restriction nitong mga nagdaang araw- DOH

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Health na ang pinaluwag na restriction sa ilalim ng Alert Level 2 ang naging dahilan ng paglobo ng mga kaso ng COVID- 19.

Sa isinagawang  virtual Press Conference nitong Biyernes sinabi ni DOH Bicol Regional Epidemiologist Dr. Aurora Teresa Daluro na kung titingnan aniya ay naging maluwag ang restriction kung saan halos lahat ay nakakalabas na ng bahay at nakakapagbiyahe na sa ibang lugar.

Aniya kahit bakunado ay nananatili ang banta ng hawaan dahil ang pagalaw ng mga tao ay nangangahulugan ding kumakalat ang virus dahil ang tao ang nagdadala nito.

Noon umanong holiday season ay marami ang umuwi galing sa ibang lugar kaya ito aniya ang posibleng dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 lalo’t marami sa mayroong travel history ang nagpositibo.

Kapag naghahalo- halo umano ang maraming tao ay dito kakalat ang virus dahil kahit bakunado na ay pwede pa ring mahawaan at makahawa.

Kung hindi umano susundin ang minimum public health standard ay lalo pa aniyang tataas ang mga kaso ng sakit.

Batay sa iprinesentang datos ng DOH hanggang nitong Enero 13 sa halos 50 libong kaso sa rehiyon ay nasa 9,030 ang bakunado.

Nasa 5, 252 dito o 59 % ay nakakaranas ng moderate symptoms at 0.1 % ang nasa critical.

Leave a Reply

Your email address will not be published.