Bigtime drug pusher timbog sa buy-bust operation sa Candelaria, Quezon; P2.5M halaga ng shabu, nasabat

Natimbog ng mga kapulisan ang isang big-time drug pusher sa ikinasang buy bust operation sa Candelaria, Quezon kung saan nasabat sa kaniya ang shabu na nagkakahalaga nang humigit kumulang P2,550,000 ayon sa report nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Mark Delfin Sarmiento alyas Brite, 23 anyos, na nagbenta ng pakete ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay Malabanban Sur.

Nasabat kay Sarmiento ang dalawampu’t apat (24) na sachet ng shabu na nasa 125 gramo at may street market value na P2,550,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Candelaria Municipal Police Station ang suspek na posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *